Sabado, Marso 25, 2017

TRAVEL BLOG # 1 "Bansang nais puntahan"


Sa PARIS nais kong pumunta sapagkat kahanga-hanga ang lugar na ito. Dinarayo ito ng karamihan sapagkat gusali ay kaka-akit sa mata ng madla isa na ito ang EIFFEL TOWER na sikat at simbolo sa PARIS natatagpuan. Magagandang hotel at pagkaing kakaiba't masarap dito lamang matitikman at mararanasan.
Related image

Isa sa pinakamatayog na gusali sa Paris ang pook pasyalan na ito at isa sa agad-agarang nakilalang kayarian ng mundo na ipinangalan sa kaniyang manlilikha ng disenyo na si Gustave Eiffel, isang inhinyero. Ayon sa aking research mahigit 6,719,200 na mamamayang pumapasyal dito samakatuwid ang toreng ito ang pinakapapasyalang bantayog sa buong mundo. Ito ay may 79 talampakan ng antenna, umabot sa 1,063 talampakan ang istraktura nito na katumbas ng 81 na palapag
Image result for paris letters
Hindi lamang ang Eiffel Tower ang nais kong puntahan, bukod dito ay marami ding Tourist Attraction ang nais kong masilayan. Ito ay ang mga sumusunod
Image result for moulin rouge show paris
-Moulin Rouge Show Paris 
Image result for MOULINE ROUGE paris

-Seine River Hop-on Hop-off sightseeing cruise

Image result for big bus paris
-Big bus summit access with host 

Image result for skip the line paris
-Skip the line Paris Catacombs Tours

Related image
-Marina de Paris River Cruise

Image result for treasures of opera garnier paris
-Treasure of Opera Garnier

Image result for bateaux parisiens siena river paris
-Bateaux Parisiens Siena River




Image result for food tour paris

Mahilig sa pagkain ang mga Franses kung kaya't marami ang kanilang recipe ang talagang sikat at gustong gusto ng mga turista. Pati narin ang kanilang tsokolate at mga sweet delicacies. Sa mga   tsokolateng natikman ko tanging Ferrero chocolate mula Paris  lamang ang pasok sa panglasa ko.


Image result for food tour parisImage result for food tour paris
-Food Tour PariS
Image result for food tour paris -CHOCATE


-SAUSAGEImage result for food tour paris

Related image
-PARISIAN WINE
mahilig ang mga taga-dito ang uminom ng alak kung kayat marami at masarap ang inumin nila dito parte na ng pagkain nila ang pag-inum ng alak.


Image result for BISTRO STYLE PARIS
-BISTRO STYLE ganito ang tema ng karamihan cafe sa PARIS 
sa motif pa lamang ng cafe tiyak na mainganyo ang mga turista na pumunta dito.

Image result for SKIP THE LINE SAINTE CHAPELLE AND CONCIERGE paris
-Skip the line Sainte Chapelle and Conciergerie
ang tanawin ito'y kahanga-hanga mahihinuha na ang atrasyon ito'y may ilang ng dekada.




"Bata pa lamang ako marami na akong nabasa sa magazine tungkol sa PARIS kaya nga buhat noon pinangarap ko ng masilayan ito, subalit sa ngayon hanggang STALK na lamng ako sa lugar na ito sa internet. Nangangarap na balang araw masisilayan ko ring ang Bansang matagal ko ng pinapangarap."











-Jennifer-

PS,ang mga larawan po dito ay mula sa GOOGLE
































Miyerkules, Marso 22, 2017

TRAVEL BLOG # 2

TRAVEL BLOG # 2

                                                BAGUIO CITY
                              Halina at mamasyal tayo sa Baguio city
 Kayo ba ay adventure lover, nature loving at mahilig maghiking. Marami sa atin ang naghahanap ng kakaibang lugar na nais pasyalan, Kung kaya't sakto ang lugar na ito para sa lahat, ang Baguio City o mas kilala rin sa tawag na City of Pines. Matatagpuan sa Hilagang Isla Luzon.
Sa tingin ko ang lugar na ito ay isa sa mga hindi mawawala sa listahan ng mga turista o bakasyunista, dahil din sa kakaibang klima nito, tag-araw man o tag-ulan man. Hindi lamang sikat ang lugar na ito dahil sa klima. Sikat din ito dahil dito mo makikita ang ibang pasyalan tulad ng BURHAM PARK na tiyak naman nakaka-aliw. Maari ka ditong mag-upa ng bisekleta o kabayo para sakyan sa paglilibot a buong bahagi ng park. At maari ding sumakay ng bangka kasama ang buong pamilya o kaibigan sa isang bangka. 
Kapag tapos kana sa paglalakbay sa buong park at nasubukan muna ang lahat ng ito. Maari ka namang pumunta sa MINES VIEW PARK. Matatanaw dito ang minahan. Sa mga tulad kong mahilig sa SELFIE O GROUPIE maari ka ring magpapicture sa aso at kabayo doon.
Napakarami ding souvenir item dito karamihan ay gawa sa kahoy tulad ng keychain na abot kaya ang halaga. Kapag maramihan ang binili mo ay makakatawad kapa ng presyo.Huwag din alalahanin ang gutom sapagkat napakaraming kainan dito.



Noong nakaraan taon nagkaroon kami ng Retreat at nagkataon malapit sa aming Retreat house ang THE MANSION dahil doon niyaya kami ng aming retreat master na pumunta doon, hindi man kami nakapasok sa mismong loob ng mansion subalit sapat na ang malibot namin ang buong compound nito. At pina-akyat pa kami ng aming retreat master sa gate nito. Sayang at nawala ang larawan ko na kuha doon.


At syempre sikat din ang ULO ng LION na nagsisilbing entrance, madadaanan ito kapag ikaw ay dadaan sa  KENNON ROAD. May taas itong 40 talampakan. Ayon naman sa kwentong aking narinig mula sa taga doon ang kulay daw ng ulo ng lion ay nagpapalit-palit ang kulay. Syempre sa mga nagbabalak pumunta sa BAGUIO huwag nyong kalimutang magpakuha ng larawan sa ULO NG LION. Tag nyo narin ang lahat ng FRIENDS nyo at i-post sa lahat ng social media account. 
Kapag nais nyo namang dumalangin habang nandito kayo. Pumunta na lamang sa CATHOLIC CATHEDRAL. Syempre sa baba pa lamang ng simbahan ay mayroon ng mga ale ang matyaga at magalang na nagtitinda ng GARLAND na gawa sa sampaguita, ilang-ilang na maaring ialay sa mga santo. 
Kung nais mo namang makapanuod ng MARCHA ng mga MILITARY pumunta lamang dito tuwing sabado sa PHILIPPINE MILITARY ACADEMY. Nasa PHP 20.00 ang entrance fee, at kung nais mo ring malaman ang mga mahahalagang pangyayari sa PMA sa loob ng dekada bukas ang kanilang PMA MUSEUM malaya kang makakapasok at magpapicture.
BAGUIO BOTANICAL GARDEN 
kilala rin ito bilang IGOROT VILLAGE malapit lamang ito sa TEACHER CAMP  malawak ang pasyalang ito kaya ipapayo ko ng maging mapagmasid sa paligid at maalalahanin upang maiwasan ang malito at mawala.
BAGUIO PUBLIC MARKET
Ito ang pinaka-paborito kong lugar sa lahat ng tourist attraction sa BAGUIO CITY bukod sa maaliw ka sa dami ng mabibili. Meron iba't-ibang uri ng JAM gaya ng STRAWBERRY, UBE, at local BLUEBERRY at iba pa. Meron ding RED CABBAGE na first time kong masilayan.  Napakarami ding SWEET DELICACIES na nagkakahalagang apat isang daan. Syempre huwag kalimutan ang bumili ng souvenir T-SHIRT.
At bago ko pa makalimutan pagpunta nyo dito bumili kayo ng SUNDOT KULANGOT napakasarap po nitong pagkain. Pagnakabili po kayo nito paturo po kayo sakin kung paano buksan.




SA DAMI NG MAGAGANDANG TANAWIN SA "BAGUIO CITY" TIYAK NA SULIT ANG IYONG BAKASYON KAPAG IKAW AY NARITO.MARAMING TOURIST ATTRACTION, MALAMIG ANG KLIMA, NALILIBUTAN NG MGA BUNDOK NA SAKTO PANG HIKING GAYA NG MT. ULAP. MABABAIT ANG MGA MAMAMAYAN 
NA NANINIRAHAN DITO. KAYA SAAN KAPA HALINA AT MAMASYAL SA NAG-IISANG                                 CITY OF PINES WALANG IBA KUNGDI "BAGUIO CITY".






PS.  Dala po kayo palagi ng payong kapag pupunta kayo dito dahil ang panahon dito ay hindi matukoy at pabago-bago.
-Jennifer Espiritu-
ang mga larawan po dito ay hango sa google