BAGUIO CITY
Halina at mamasyal tayo sa Baguio city
Kayo ba ay adventure lover, nature loving at mahilig maghiking. Marami sa atin ang naghahanap ng kakaibang lugar na nais pasyalan, Kung kaya't sakto ang lugar na ito para sa lahat, ang Baguio City o mas kilala rin sa tawag na City of Pines. Matatagpuan sa Hilagang Isla Luzon.
Sa tingin ko ang lugar na ito ay isa sa mga hindi mawawala sa listahan ng mga turista o bakasyunista, dahil din sa kakaibang klima nito, tag-araw man o tag-ulan man. Hindi lamang sikat ang lugar na ito dahil sa klima. Sikat din ito dahil dito mo makikita ang ibang pasyalan tulad ng BURHAM PARK na tiyak naman nakaka-aliw. Maari ka ditong mag-upa ng bisekleta o kabayo para sakyan sa paglilibot a buong bahagi ng park. At maari ding sumakay ng bangka kasama ang buong pamilya o kaibigan sa isang bangka.
Kapag tapos kana sa paglalakbay sa buong park at nasubukan muna ang lahat ng ito. Maari ka namang pumunta sa MINES VIEW PARK. Matatanaw dito ang minahan. Sa mga tulad kong mahilig sa SELFIE O GROUPIE maari ka ring magpapicture sa aso at kabayo doon.
Napakarami ding souvenir item dito karamihan ay gawa sa kahoy tulad ng keychain na abot kaya ang halaga. Kapag maramihan ang binili mo ay makakatawad kapa ng presyo.Huwag din alalahanin ang gutom sapagkat napakaraming kainan dito.
Noong nakaraan taon nagkaroon kami ng Retreat at nagkataon malapit sa aming Retreat house ang THE MANSION dahil doon niyaya kami ng aming retreat master na pumunta doon, hindi man kami nakapasok sa mismong loob ng mansion subalit sapat na ang malibot namin ang buong compound nito. At pina-akyat pa kami ng aming retreat master sa gate nito. Sayang at nawala ang larawan ko na kuha doon.
At syempre sikat din ang ULO ng LION na nagsisilbing entrance, madadaanan ito kapag ikaw ay dadaan sa KENNON ROAD. May taas itong 40 talampakan. Ayon naman sa kwentong aking narinig mula sa taga doon ang kulay daw ng ulo ng lion ay nagpapalit-palit ang kulay. Syempre sa mga nagbabalak pumunta sa BAGUIO huwag nyong kalimutang magpakuha ng larawan sa ULO NG LION. Tag nyo narin ang lahat ng FRIENDS nyo at i-post sa lahat ng social media account.
Kapag nais nyo namang dumalangin habang nandito kayo. Pumunta na lamang sa CATHOLIC CATHEDRAL. Syempre sa baba pa lamang ng simbahan ay mayroon ng mga ale ang matyaga at magalang na nagtitinda ng GARLAND na gawa sa sampaguita, ilang-ilang na maaring ialay sa mga santo.
Kung nais mo namang makapanuod ng MARCHA ng mga MILITARY pumunta lamang dito tuwing sabado sa PHILIPPINE MILITARY ACADEMY. Nasa PHP 20.00 ang entrance fee, at kung nais mo ring malaman ang mga mahahalagang pangyayari sa PMA sa loob ng dekada bukas ang kanilang PMA MUSEUM malaya kang makakapasok at magpapicture.
BAGUIO BOTANICAL GARDEN
kilala rin ito bilang IGOROT VILLAGE malapit lamang ito sa TEACHER CAMP malawak ang pasyalang ito kaya ipapayo ko ng maging mapagmasid sa paligid at maalalahanin upang maiwasan ang malito at mawala.
BAGUIO PUBLIC MARKET
Ito ang pinaka-paborito kong lugar sa lahat ng tourist attraction sa BAGUIO CITY bukod sa maaliw ka sa dami ng mabibili. Meron iba't-ibang uri ng JAM gaya ng STRAWBERRY, UBE, at local BLUEBERRY at iba pa. Meron ding RED CABBAGE na first time kong masilayan. Napakarami ding SWEET DELICACIES na nagkakahalagang apat isang daan. Syempre huwag kalimutan ang bumili ng souvenir T-SHIRT.
At bago ko pa makalimutan pagpunta nyo dito bumili kayo ng SUNDOT KULANGOT napakasarap po nitong pagkain. Pagnakabili po kayo nito paturo po kayo sakin kung paano buksan.
SA DAMI NG MAGAGANDANG TANAWIN SA "BAGUIO CITY" TIYAK NA SULIT ANG IYONG BAKASYON KAPAG IKAW AY NARITO.MARAMING TOURIST ATTRACTION, MALAMIG ANG KLIMA, NALILIBUTAN NG MGA BUNDOK NA SAKTO PANG HIKING GAYA NG MT. ULAP. MABABAIT ANG MGA MAMAMAYAN
NA NANINIRAHAN DITO. KAYA SAAN KAPA HALINA AT MAMASYAL SA NAG-IISANG CITY OF PINES WALANG IBA KUNGDI "BAGUIO CITY".PS. Dala po kayo palagi ng payong kapag pupunta kayo dito dahil ang panahon dito ay hindi matukoy at pabago-bago.
-Jennifer Espiritu-
ang mga larawan po dito ay hango sa google
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento