Sa PARIS nais kong pumunta sapagkat kahanga-hanga ang lugar na ito. Dinarayo ito ng karamihan sapagkat gusali ay kaka-akit sa mata ng madla isa na ito ang EIFFEL TOWER na sikat at simbolo sa PARIS natatagpuan. Magagandang hotel at pagkaing kakaiba't masarap dito lamang matitikman at mararanasan.
Isa sa pinakamatayog na gusali sa Paris ang pook pasyalan na ito at isa sa agad-agarang nakilalang kayarian ng mundo na ipinangalan sa kaniyang manlilikha ng disenyo na si Gustave Eiffel, isang inhinyero. Ayon sa aking research mahigit 6,719,200 na mamamayang pumapasyal dito samakatuwid ang toreng ito ang pinakapapasyalang bantayog sa buong mundo. Ito ay may 79 talampakan ng antenna, umabot sa 1,063 talampakan ang istraktura nito na katumbas ng 81 na palapag
Hindi lamang ang Eiffel Tower ang nais kong puntahan, bukod dito ay marami ding Tourist Attraction ang nais kong masilayan. Ito ay ang mga sumusunod

-Moulin Rouge Show Paris
-Seine River Hop-on Hop-off sightseeing cruise
-Big bus summit access with host

-Skip the line Paris Catacombs Tours
-Marina de Paris River Cruise

-Treasure of Opera Garnier

-Bateaux Parisiens Siena River

Mahilig sa pagkain ang mga Franses kung kaya't marami ang kanilang recipe ang talagang sikat at gustong gusto ng mga turista. Pati narin ang kanilang tsokolate at mga sweet delicacies. Sa mga tsokolateng natikman ko tanging Ferrero chocolate mula Paris lamang ang pasok sa panglasa ko.

-Food Tour PariS
-SAUSAGE

-PARISIAN WINE
mahilig ang mga taga-dito ang uminom ng alak kung kayat marami at masarap ang inumin nila dito parte na ng pagkain nila ang pag-inum ng alak.

-BISTRO STYLE ganito ang tema ng karamihan cafe sa PARIS
sa motif pa lamang ng cafe tiyak na mainganyo ang mga turista na pumunta dito.
-Skip the line Sainte Chapelle and Conciergerie
ang tanawin ito'y kahanga-hanga mahihinuha na ang atrasyon ito'y may ilang ng dekada.
"Bata pa lamang ako marami na akong nabasa sa magazine tungkol sa PARIS kaya nga buhat noon pinangarap ko ng masilayan ito, subalit sa ngayon hanggang STALK na lamng ako sa lugar na ito sa internet. Nangangarap na balang araw masisilayan ko ring ang Bansang matagal ko ng pinapangarap."
-Jennifer-
PS,ang mga larawan po dito ay mula sa GOOGLE